Wednesday 26 November 2014

Nang minsang madulas ako..

Noong nakaraang araw naglalakad ako para bumili ng pizza. Habang naglalakad patungo sa pizza shop. Hindi ko alam kung papano at bakit nangyari yun. Na para bang isang slow motion yung nangyari habang nadudulas na ako. May nakasalubong pa kong babae na nakatingin sakin habang patukod na yung tuhod ko

Nasabi ko pa sa sarili ko “Anong nangyari? Bakit madulas dito? ” 

at ako’y biglang napaluhod. Hindi ko namalayan na yung kaliwang tuhod ko tumukod na sa kalsada na parang bang ang itsura ko ay ung nag-propose na lalaki, pero ang totoo nakaramdam ako ng sakit.

Bigla kong tumayo at hindi pinansin ang mga taong nasa paligid ko na nakakita nang nangyari, nilingon ko kung anong bagay ang nakapagpadulas sakin. At yun nga nakita ko ang isa sirang bigkis ng walis tingting na nakakalat sa kalsada. Hindi ko alam bakit hindi ko napansin iyon habang naglalakad ako. Siguro dahil naka-focus nalang yung mind ko sa klase ng pizza na bibilihin.

Vision Sharer for Ivy Dela Cruz-Sepe All right Reserved 2014
www.ivysepe.com

Habang papalayo na ko sa lugar kung saan ako nadulas, sinasabi ko sa sarili ko “Owww. Grabe! Ang sakit talaga” pero ni minsan sa isang segundo hindi ako huminto para tignan yung tuhod ko ni kapain man para kahit papano maalis yung hapdi na naramdaman ko.

Nang makarating na ko sa pizza shop, pinili ko yung pinaka THE BEST sa BEST SELLER nila, which is GRANDSLAM pizza. Hindi ko alam kung bakit parang yun yung naisip ko bilhin dahil siguro muka talaga siyang napakasarap. Habang nasa pizza shop ako, naamoy ko na yung pepperoni at greenbelt pepper lalo pa kong natakam!!

Nang makuha ko na yung larg size GRANDSLAM pizza, naexcite na akong umuwi kase that pizza will be my dinner too (diet kunwari hehe).. Habang naglalakad pauwi, nadaanan ko ulit yung kalsada na kung saan ako nadulas. Nagmasid-masid yung mata ko, nakita ko umunti nalang yung mga taong nasa paligid ko kesa kanina noong madulas ako.

Napansin ko na malapit na pala ko dun sa eksaktong lugar kung saan ako nadulas. At nakita ko nalinis na yung kalsada kung saan nandoon knina yung mga walis tingting na nakakalat, pero may nakita pa kong isa. Medyo natakot ako noong una kase baka hindi ko na naman mapansin yung kalat na yun.

Nang makalagpas ako sa eksaktong lugar kung saan ako nadulas, natuwa ako dahil alam kong kung sino man yung mga taong nakakita sakin wala sila noong dumaan na ko pauwi. Nagkaroon ako ng isang reyalisasyon sa buhay. Katulad ng isang naramdaman ko noong naexcite ako bumili ng pizza, hindi ko napansin na habang naglalakad pala ko may mga nakakalat na sirang walis tingting sa daan na magiging dahilan para madulas ako.

Katulad sa buhay natin, nagkakaroon tayo ng vision o isang pangarap na makamit ang isang bagay. Habang tinatahak natin ang daan patungo sating pangarap, hindi natin napapansin may mga bagay pala na magiging hadlang para hindi mapabilis yung pagkamit ng pangarap mo.

Minsan hindi natin namamalayan na mayroon palang isang pagsubok na pagdadaanan along the way before makamit yung bagay na pinapangarap natin.
(P.s yung pizza hindi ko pinangarap yun -_- nagcraving lang ako hahah!)

Maaring ang sanhi ng pagbagal ng proseso ng tagumpay dahilan upang panghinaan tayo ng loob. Maaring minsan ang mga pagsubok na pagdadaanan mo napakahirap, mapapahiya ka sa madaming tao at madaming makakakita ng pagbagsak mo at pagtatawanan ka.

Pwede kang umiyak sa pagbasak mo, pwede kang malungkot at magmaktol. Pero hindi ka pwedeng manatili sa ganyang kalagayan mo. Mas lalo ka nilang pagtatawanan at mamaliitin at magtatawag pa ng mga taong pwede magtatwa sayo. 

Ipakita mo sa kanila na kaya mong bumangon! Lingonin mo ang pagkakamali mo sa nakaraan at wag na iyong gawin sa hinaharap. Wag mong hayaang manatili kang nakaluhod sa lugar na kung saan ka pinagtawanan ng mga taong hindi mo kakilala maging nang iyong mga kakilala.

Huwag mong hayaang ang pagsubog ang magpabagal sayo sa iyong pangarap na tagumpay  at maging dahilan ng iyong  muling pagbagsak. Tandaan mo, isa lang magpapabagsak sayo..

Ikaw mismo! Ang sarili mo ang magbibigay ng dahilan para sa ikababagsak mo, ikakasuko mo. Kung hindi mo tutulungan ang sarili mo na bumangon upang ipakita na kaya mong abutin ang iyong pangarap. Walang tao ni ang Dios ang makakatulong sayo, kung ikaw sa sarili mo hindi mo alam paano tulungan ang sarili mo.

Lingonin mo ang pagkakamali mo sa nakaraan at gawin mo itong isang inspirasyon upang magtagumpay, ipagpatuloy mo lang ang iyong mithiin. Lahat ng iyong pangarap.. sa dulo makakamit mo rin yan!

At sa panahon na makamit mo na ang pangarap mo, makikita mo sa pagtahak mo pabalik sa landas na kung saan ka nagkamali. Kaunti nalang ang mga taong makakakita ng iyong pagbabalik.Ito ay dahil alam nilang magtatagumpay ka at hindi na magkakamali.

Sa mga taong gusto kang makitang magkamali o bumagsak..

Hindi mo sila makikita sa lugar na kung saan sila nagsisitawanan sayo, hindi mo sila makikita na naghahalakhakan at nagtatawag pa ng mga taong magtatatwa sayo. Dahil alam nilang makikita mo kung ano ang pagkakamali mo at maitatama mo ito, maaaring  nagtatago na sila dahil alam nilang nagkamali sila sa kanilang ginawa o maaring isa sila sa taong tutulong sayo para maiwasan ang muli ang pagkakamaling iyon.

Alam nilang mas nakakahiyang tawanan ang mga taong nadapa pero ginagawa pa rin nila, pero mas nakakahiyang isipin na ang taong tinawanan nila noon,  nadapa at natutong bumangon.

Kaya mo yan! Hindi masamang magkamali, hindi nakakahiyang madama. Ang mahalaga.. Matuto ka sa iyong pagkakamali at iwasang muling magkamali.

God knows what your heart desires and as long as you know your priority He will answer all your prayers in time. In His time all things are possible. Ecclesiastes 3:3