Monday 9 December 2013

“Kailangan maihayag ang kasalanan upang maisakatuparan ang Kanyang Kalooban para sa Kanyang Kaluwalhatian”

Enero 9, 2012 Lunes 1:55 pm

Tanghaling tapat (habang nagkakaingay sila sa labas) narito’t ako sa kwarto ng aking kapatid. Matahang inaaliw ang sarili sa pagbabasa ng mga bagal ukol sa Panginoon. Ang puso ko’y nag-bunyi! Malapit na akong makalaya sa Kasalanan!! Ilang oras na lamang at matatapos na. (naghihintay kay bro.bon).
        Mula ng huwebes ng gabi, ganap na 10:15pm Enero 5, 2011 sa tahanan nila ptr. Unti-unti ko ng naranasan at naramdaman ang kalayaan ng aking kaluluwa! Bagama’t akala ng marami ay isa akong banal/sakdal, malinis at tapat na mananampalatay. Nagkakamali sila! Kayo! Mas higit ko naunawaan na kailangan ko maranasan ang mga karumihan, kasalanan, kawalang pananampalataya, alinlangan at pagtalikod. Dahil sa taong 2012 naramdaman ko ang pagiging totoo ko, pagkaunawa sa Salita at Pananampalataya. Bagamaat ninanais ko malaman kong paano ako iiyak ng pagsisi at hindi basta pagkaawa lamang sa sarili.
         Simula ng sabado ng gabi, unti-unti ko ng natanggap na kailangan ito mangyari, kaya hindi na ako nalulungkot pa. Sa kadahilanang nakalaan ang buhay ko sa kasinungalingan, karumihan sa laman, pagnanakaw, panloloko, at kung anung buhay pa! Ngunit alam ko pinahintulot ito ng Panginoon, pero alam ko sa tuwing mararamdaman ko ang kamatayan ay Kanya akong nililigtas. Nagamit akong kasangkapan ni Satanas simula bata pa ako, Walang pagbabago! Magnanakaw! Sinungaling! Karumihan ng laman at kaisipan! Walang pananampalataya! “AKO!” ngunit bagamat ganoon. “Praise! Praise Him! Oh! Tis’ things make my soul rejoice! Jesus Christ! Set me Free!
             Salamat at nahayag ang tagong kasalana! Salamat at unti unti akong nakakalaya! Sinadya ni Satanas na sirain ang Gawain gamit ang isang kaluluwa mula sa lahi ng mga “Banal na mangangaral” ngunit hindi sya nagtagumpaya! Salamat sa Panginoon at ginamit Niya ako bilang isang instrument para sa Kanyang Kadakilaan at Kaluwalhatian. Glory to God! Jesus Christ set’s me Free!
            batid ko na hindi pa rin nauunawaan ng marami ang nagyari, Si “Sarah” sa aklat ng Genesis ay nag-alinlangang minsan. Gayon din ako, ngunit ang kaing kasalanan nalantad na! Haha! Satanas! Malaya na ako! Kailangan mailantad ang kasalanan upang maisakatuparan ang Kanyang Kalooban pra sa Kanyang Kaluwalhatian. Glory! Salamat sa Panginoon at nakikita ko na ang pagbabago na Kanyang inilaan. Hindi man ayon sa plano, kaisipan at nais ko. Ngunit alam Niya na ito ang mas makabubuti! Para sa aking kaluluwa na ngayon ay unti unting tinatahak at hinaharap ang landasin patungo sa ‘ Buhay na walang Hanggan.’
            Para sa aking mga kapatid, “Sana mapatawad ninyo ako” hindi ko man mabanggit lahat ng ito. “Mahal ko kayo!”
·        ate, patawad kung iiwan na kita mag-isa. Ingatan mo si nanay.
·        Kuya elyo, salamay at nakita na ulit kitang tumugtog! Purihin Siya! J
·        Kuya Jacob, salamat sa pagmamahal, sa pagsaway at pagtuturo sa landas tungo sa kabanalan, pagpalain ka! Naway makahanap ka ng tao para sa iyo.
·        Kuya Bernie, Pogi! J hindi ko alam pero sana naman matuto ka na mag necktie. Kase aalis na ako. Salamat sa pag-iingat, pagtatanggol pagmamahal at mga bagay na napagsaluhan natin.

Sa mga kapatid ko, ano mang bagay o kasalanan na aking/naming nagawa. Ipagpatawad ninyo. Nararapat lamang itong mangyari para sa kalinisan, pagsasaayos nang pananampalataya para sa Kanyang pagbabalik. Sanay gamitin rin kayo sa Kanyang dakilang layunin! Ngunit wag sa paraang gaya sa akin. Lahat ng nasaad ditto ay mula sa kaibuturan ng puso ko.. “ Mahal ko kayo!” Salamat sa lahat.!

Para sa aking Ina/Papa Rey/Mama que
·        May salita pa bang mas hihigit sa mga salitang ito?! Salamat, patawad at mahal ko kayo!

-Salamat sa buong buhay ko, sa pag-aalaga, pagmamahal, pag-iingat at pagpapaalala. Pag provide ng mga pangangailangan, pakikipag-usap, tawanan, at kulitan bilang mga kaibigan, kapatid, at magulang.
-Patawad sa lahat ng pagkakataon na sinaktan/nasaktan, nabigo ko kayo pero bagamat alam kong ganon, minahal nyo pa rin ako. Kaya lubos ko kayong minahal.
Para aking ikalawang pamilya (Alcarado Family)
Tatay Danny- Marahil luluha kayo habang narinig ito or binabasa, pero alm kong mag-smile pa rin kayo at sasabihin “Talaga naming batang iyon” Noong bata pa ako. Para kayong deacon na sige panay ang bantay. Saway ditto! Saway doon! Haha! Pakealam ng pakealam! Pero sa loob ng mahabang panahaon na iyon. Halos sumpain ko kayo at ang bahay ninyo. Isa lamang pala iyong pag-iingat. Dahil itinuting ninyo akong anak sa ibang paraan. Salamat po! Salamat dahil mas lalo ko naramdaman ang pag-iingat ng ama.

Tita Josie- Alam nyo hindi ko kayo tinatawag na tita, pero lage nyo ko pinapakilala na bilang pamangkin nyo!? J salamat po! Gusting gusto ko iyo. Salamat sa pagmamahal at pagpupuno ng kakulangan ni nanay sa pag-aasikaso sa akin nung nag-aaral pa ako. Maraming salamat po. Mahal ko kayo!
To: Kuya lester, Joy, Mher, Gido
Kuya lester- Paano ba ko magpapasalamat sa sandal sinamahan at ginampanan mo ang tungkulin ng aking mga kuya? Pakikipag-usap ng sarilina. Pakikipagtawanan, kwentuhan at kulitan. Salamat! Ay hindi pa sapat, ngunit sana ay iyong tanggapin J Pogi ka naman eh! Haha!

Joyjoy- Haha! Pinaka nakakairitang joy! Dahil “Killjoy!” masyado, pero alam mo salamat sa pagbahagi ng karansan at panahon noon. Nung panahon na wala si ate. Ikaw ang nagging ate ko, kausap sa maikling panahon J Salamat! Sana maging Joyful ka na! love you!
Mhertoot- Isa sa pinaka matalik kong kapatid/kaibigan. Simula ng bata pa ako, sa wakas! Sa kaibuturan ng puso ko “Mahal kita!” Salamat sa iyakan, tampuhan, asaran, tawanan, pikunan, sawayan at mga simpleng sandaling samahan. Sana masuklian ko ito paglipas ng panahon.
P.S Wag mahilig mag walk-out! Walang taping!
J Love you!
   
Gido- Pinaka pogi kong kapatid! (Manamit) Haha! Naiinlove ako sa tikas at galling mo manamit, pero kapatid kita kaya hindi pwede ;) haha! Keep the Good works of sharing gospel! Magbabalik ako para sa jamming. Galingan mo ah? God bless!


I love this Family of God! We’re closely knitted into One. You’ve taken me into your heart and I’m so glad to be a part of this Great Family. J

No comments:

Post a Comment